Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 45 Ako’y Lumuluwalhati Doon sa Krus ni Kristo
1
Ako’y lumuluwalhati
Doon sa krus ni Kristo,
Liwanag ng kasaysayan
Ay umiinog dito.
2
Kapag sumapit sa akin
Mga kapighatian,
Hindi ako babayaan
Ng krus ng katuwaan.
3
Pag ang araw ng ligaya’y
Sumisinag sa daan,
Ang liwaang mula sa krus
Nagdaragdag ng kinang.
4
Kamataya’t pagpapala,
Pinababanal ng krus;
Naroo’y kapayapaa’t
Tuwang di matatapos.