Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 43 Pag Sumilang na ang Pag-Ibig
1
Pag sumilang na ang pag-ibig sa buhay
Ang hirap, ang lungkot, at sakit, wawalay
Kung tayo ay may hapis ay mapapawing pilit
Pag sumillang sa langit ang pag-ibig
Koro:
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang puso ko ay aawit ng pag-ibig,
Oh! pag-ibig, Oh! pag-ibig!
Ang lahat ay magsiawit ng pag-ibig!
2
Sa pag-ibig ang sanlibuta’y gaganda
Sisipag sa katungkulan ang kalul’wa
Matatamo’y tagumpay, puso’y massayahan
Lul’walhati ang buhay sa pag-ibig!
3
Ang luha at kapighatia’y lilipas
Makakaya ang mga pasang mabigat,
Ang kaluwalhatian nama’y maliliwanag
Ang puso’y aapawan nag pag-ibig.
4
Di na mapaparam sa lupa ang kisig,
Ang pagmamahalan sa diwa’y hihigpit,
Kung kamtan ang tagumpay at sa langit mamuhay
Doon ang tanging araw ay pag-ibig.