Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 37 Ang Unang Noel

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 37 Ang Unang Noel

1
Ang unang Noel ay inihimig
Ng anghel sa mga pastol sa bukid;
Do’y iningatan mga tupang ibig,
Isang gabi noon na tahimik.

Koro:
Noel, Noel, Noel, Noel,
Sumilang Hari ng Israel.

2
Tumingala sila’t namasdan
Ang isang tala sa silangan
At sa lupa ay tumanglaw
At ito’y nagpatuloy gabi’t araw.

3
Sa liwanag ng tala ring iyon
Tatlong pantas ang dumating doon;
Isang hari ang kanilang layon,
At sundan ang tala sa’n man humantong.

4
Tala’y napasahilagang kanluran,
Sumaibabaw ng Bethlehem na bayan,
At ang dakong kinalalagyan
Ni Jesus ay siyang tinapatan.

5
Ang tatlong pantas ay nagsipasok,
Buong galang silang nanikluhod,
At sa harap Niya ay nangaghandog
Ng ginto, mira’t insensong pansuob.

Exit mobile version