Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 34 O Munting Bayang Bethlehem

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 34 O Munting Bayang Bethlehem

1
O munting baying Bethlehem, Tahimik kang tunay!
Mga bituin sa langit Mo’y nangaglalakbay;
Walang hanggang liwanag Sa daa’y sumilay;
Mga pag-asa’t pangamba Ngayo’y nagkaugnay.

2
Si Kristo ay sumilang Habang nagbabantay
Ang mga anghel sa langit Nang bu’ng pagmamahal.
Itanyag, mga tala, Banal na pagsilang!
Sa tao’y kapayapaan, Ang Diyos papurihan.

3
Kahanga-hangang kaloob Payapang nabigay!
Kaya pagpapala ng Diyos Sa ‘ti’y inialay.
Yaong Kayang pagdating Di man napakinggan,
May mga taong sa Kanya Ay tatanggap naman.

4
Banal na Sanggol ng Belen, Ikaw’y sumasaamin;
Sala naming ay pawiin At kami’y sa kupin.
Aming napapakinggan Balita ng anghel-
Oh, Manahan Ka sa amin, Aming Emmanuel!

Exit mobile version