Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 33 Tahimik ang Gabi
1
Tahimik ang gabi, Payapa ang lahat;
Naro’n ang inang birhe’t Anak!
Banalna Sanggol ng pagliyag,
Matulog nang panatag, Matulog nang panatag.
2
Tahimik ang gabi, Liwanag nang lahat;
Mga anghel ay nagpahayag
Sa mga pastol na nagalak;
“Aleluya sa Hari! Sa kay Kristong marilag.”
3
Tahimik ang gabi, Diyos Anak, namalas;
Sa mukha Mo ay sumisinag
Ningning ng biyayang namitak,
Nang sumilang Ka, Jesus, Sa sang-maliwanag.
4
Tahimik ang gabi, Tala ay sumikat;
Tayo’y magsi-awit na lahat,
Mga anghel saliwang ganap,
Sumilang na sa hirap, Kristong Tagapagligtas.