Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 32 Dinggin at Umawit mga Anghel sa Langit

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 32 Dinggin at Umawit mga Anghel sa Langit

1
Dinggin at umawit Mga anghel sa langit,
“Luwalhati sa Haring Sumilang sa daigdig!”
Sa tagumpay ng langit, Tayo ay makianib,
Ang pagsilang ni Kristo’y Itanyag na masugid.

Koro:
“L’walhati sa sumilang
Hari ng daigdigan.”

2
Si Kristong sinasamba, Panginoo’ng walang haggan,
Sa sabsaba’y sumilang Sa saliw ng awitan,
Si Kristo ay dumatal, Emmanuel ang pangalan!

3
Batiinang Prinsipe! Na araw ng Katwiran!
Ang dulot N’ya sa lahat:Buhay, kaliwanagan.
Kaniyang itinabi Ang kaluwalhatian
Sumilang nang ang tao Ay huwag nang mamatay.

Exit mobile version