Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 312 Kung May Pag-ibig

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 312 Kung May Pag-ibig

1
Maganda ang paligid, kung may pag-ibig,
Masaya bawat ingay, kung may pag-ibig,
Kapayapaa’y taglay may ngiti ng tagumpay;
Panaho’y lumilipas kung may pag-ibig.

Koro:
Pag-ibig, pag-ibig;
Ang tahana’y payapa;
Kung may pag-ibig.

2
Langit ay nakatunghay, kung may pag-ibig;
Mundo ay laging tunay, kung may pag-ibig,
Batis ay lumilinaw pagpapala ang taglay;
May ngiti ang Pangino’n kung may pag-ibig.

3
Ako ay pagpalain, Pangino’n giliw;
Magtitiwalang lubos kung may pag-ibig,
Ako’y iyong ingatan h’wag akong pabayaan;
Sa biyaya mong taglay kung may pag-ibig.

Exit mobile version