Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 309 Bata’y Aming Alay

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 309 Bata’y Aming Alay

1
Bata’y aming alay,
Tanging handog namin,
Gabay mo ay kailangan
Tulong ng Maykapal.

2
Kami’y pagpalain,
Hubugin sa piling,
Ng sa daan ng kat’wiran
Manatiling tambing.

3
Tanggapin ang samo,
Dinggin aming hiling
Na sa puso at tahana’y
Lagi kang kapiling.

Exit mobile version