Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 308 Tanging ang Ngalan Jesus
1
Tanging ang ngalan ni Jesus,
Taglay ang kagalakan,
Ligaya ng mga anghel,
Lubos nating kas’yahan.
Koro:
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus;
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.
2
Tanging ang ngalan ni Jesus
Kung puso ay malungkot,
Tanging ang ngalan ni Jesus
Puso ko’y walang takot.
3
Pag-asang S’ya’y mamamalas
Kung S’ya magbalik na,
Pag-asa ang marining na
Tatahang kasama N’ya
4
Kung nais Niya na ako’y
Gumawa sa ubasan,
Ako ay magagalak din
Pagamit ng lubusan.
5
Kung kamataya’y sumapit
At ako’y magpahinga.
Magbigay sulit kay Jesus
Manatili sa Kanya.