Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 30 Inaawit Ko ang Lakas
1
Inaawit ko ang lakas ng Diyos na naglatag
Ng bundok na matataas at ng mga dagat;
Ang karunungang dakila na siyang nagtakda
Ng marapat maging gawa ng bawa’t buntala.
2
Inaawit ko ang awa ng diyos na dakila,
Sa ganang nagkakalinga sa Kanyang nilikha;
Kababalaghan Mo’y hayag at kita ng lahat,
Sa lupa’t langit ay bakas pawing nakalahad.
3
Walang halama’t bulaklak na di naguulat
Ng malwalhati Mong dilag na hayag sa lahat;
Sa bawa’t Iyong nilalang ikaw’y nagbabantay,
Walang dakong tutunguhang di Mo maratnan.