Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 296 May Isang Dakong Payapa

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 296 May Isang Dakong Payapa

1
May isang dakong payapa
Sa puso ng Diyos,
Doo’y di gumagambala
Ang salang balakyot.

Koro:
O Jesus, Manunubos,
Sugong mula sa Diyos,
Kami ay itaguyod,
Na malapit sa Diyos.

2
May isang pook ng aliw
Sa puso ng Diyos,
Doon si Jesus na giliw,
Tinatagpong lubos.

3
Mayro’ng pook ng ginhawa,
Sa puso ng Diyos,
Kapayapaa’t ligaya
Doo’y pumupuspos.

Exit mobile version