Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 294 Jesus, Unos Nagngangalit!
1
Jesus, unos nagngangalit!
Matataas ang alon!
Lubhang nagdidilim ang langit;
Walang kanlunga’t tulong;
Di Ka ba nag-aalalang
tayo’y mapahamak?
Paanong Ikaw’y nakakatulog
Sa sungit nitong dagat?
Koro:
“Ang nangi’t alo’y susunot sa ‘Kin, Pumayapa!
Ang dagat ma’y mag-alimpuyo,
Demonyo, tao, o anuman ito,
Walang tubig na makakatabon
Sa dakong ang Panginoo’y naro’n
Lahat sila’y susunod sa ‘Kin;
Pumayapa! Pumayapa!
Lahat sila’y susunod sa ‘Kin;
Pumayapa!”
2
Jesus, sa hirap ng diwa’y
Suko na ako ngayon;
Puso ko ay nababagabag;
Iligtas, Panginoon!
Bugso ng sala at dusa’y
Lumalagom sa ‘kin;
At ako’y napahamak! Pangino’n
Magmadaling sagipin.
3
Jesus, ang bagyo’y wala na,
Elemento’y tahimik;
Araw sa dagat nakikita,
Langit nasa ‘king dibdib;
Manatili Ka, O Jesus,
H’wag na akong iwan;
At may kagalakang sasapitin
Ang pinagpalang pampang.