Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 291 Sa Pag-ibig ng Langit Nananahan Ako

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 291 Sa Pag-ibig ng Langit Nananahan Ako

1
Sa pag-ibig ng langit nananahan ako,
Walang katatakutang puso’y magbabago;
Ligtas na magtiwala ako nang ganito
Sa pagka’t wala ritong mga pagbabago.
Matatakot ako sa ugong ng bagyo?

2
Hindi ako uurong saanman akayin;
Di ako kukulangin, pastor ko’y kapiling.
Ang Kanyang karunungan ay lagi nang gising,
Hindi nangungulimlim ang Kanyang paningin,
Sa daang Kanyang alam, ako’y lalakad din.

3
Ang nasa unahan ko’y sariwang pastulan;
Ang maulap kong langit, maliliwanagan.
Yaring aking pag-asa’y di ko matitimbang,
Nasa Tagapagligtas yaong aking yaman,
At Siya ay lalakad ako’y sasamahan.

Exit mobile version