Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 289 Bangon, Kaluluwa’t Dinggin

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 289 Bangon, Kaluluwa’t Dinggin

1
Bangon, kaluluwa’t dinggin
Isang awit sa’yo’y hiling
Magpuri ka sa Lumikha
Ang habag N’ya ay malaya!
Ang habag N’ya, ang habag N’ya,
Ang habag N’ya ay malaya!

2
Nakita ka Niyang dusta
At agad kang inaruga
Kinaon ka’t inandukha
Ng habag Niyang dakila!
Ang habag N’ya, ang habag N’ya,
Ng habag Niyang dakila!

3
Marami man ang kaaway
At tukso ng sanlibutan
Akin namang namamalas
Ang habag Niyang malakas
Ang habag N’ya, ang habag N’ya,
Ang habag Niyang malakas!

4
Bagabag ma’t malulungkot
Ang hirap ay dimasayod,
Huwag mong kalilimutan
Ang habag Niyang mainam
Ang habag N’ya, ang habag N’ya,
Ang habag Niyang mainam!

5
Kung dumating na si Jesus
Upang kunin ang tinubos
Aawitin ko kayalanamn
Ang habag N’yang walang-hanggan!
Ang habag N’ya, ang habag N’ya,
Ang habag N’yang walang-hanggan!

Exit mobile version