Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 287 Huwag Kang Padaig sa mga Tukso

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 287 Huwag Kang Padaig sa mga Tukso

1
Huwag kang padaig sa mga tukso
Maging uliran ka sa ibang tao;
Ang pakikilaban ay tapangan mo,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

Koro:
Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw
Papatnugutan ka at pananagumpayin!

2
Sa mga masama’y h’wag kang mabuyo,
At ang ngalan ng Diyos ay pgalang mo,
Maging masikap ka’t h’wag mabalino,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

3
Ang mananagumpay ay magtatamo
Ng koronang hindi na maaano;
Sa Diyos tumawag ka at pasaklolo,
At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

Exit mobile version