Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 284 Pag Nahimlay na Kay Jesus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 284 Pag Nahimlay na Kay Jesus

1
Pag nahimlay na kay Jesus,
Wala nang luhang aagos
Tahimik nang matutulog
Hanggang araw ng pagtubos!

2
Oh! anong tamis matulog
Sa Panginoon kong Jesus!
Sa Kanya ay pakukupkop
At aasa akong lubos!

3
Oh! masanghayang pahinga
Ang kay Jesus mapasama;
Di papasok kahit bakla
Kung Siya ay mahayag na!

4
Ang sa kay Jesus mahimlay
Gigisinging di tatagal,
At ibabangon sa hukay
Sa buhay na walang hanggan!

Exit mobile version