Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 282 May Ulan ng Pagpapala

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 282 May Ulan ng Pagpapala

1
“May ulan ng pagpapala;”
Ito’y pangako ng Diyos;
May panahon ng ginhawa,
Buhat sa Manunubos.

Koro:
Ulan ng pala,
Na ating kailangan;
Pumapatak na ang awa,
Nguni’t ang hingi’y ulan.

2
“May ulan ng pagpapala”–
Mahalagang buhayin;
Sa burol at kapatagan,
May ulang masisinsin.

3
“May ulan ng pagpapala;”
Ibuhos na sa amin;
Kami’y bigyan Mong ginhawa;
Salita Mo’y tuparin.

4
“May ulan ng pagpapala;”
Sana ngayo’y bumuhos,
Ngayong nagtatapat sa Diyos
At nanawag kay Jesus.

Exit mobile version