Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 280 Nais Mong Pala’y Kamtin Mo

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 280 Nais Mong Pala’y Kamtin Mo

1
Nais mong pala’y kamtin mo? ikaw’y magbigay!
Nais mong umunlad tayo? ikaw’y magbigay!
Lahad ang iyong kamay at ang puso mo’y buksan
Sumunod ka sa aral, ikaw’y magbigay!

2
Buong puso’t kagalakang ikaw’y magbigay!
Nang ikaw’y tumanggap naman ngayo’y magbigay!
May munti ka bang yaman? ibigay mo rin iyan
Ikaw ay gagantihan kung magbibigay!

3
Magbigay sa pagkakalat ng santong aklat
At nang makapagpasikat sa pusong salat!
Ibig mo bang yumaman kung dumating ang araw?
Kung gayon, ngayon nama’y ikaw’y magbigay!

Exit mobile version