Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 277 Araw ng Kabanalan, Kay Jehobang Lumalang

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 277 Araw ng Kabanalan, Kay Jehobang Lumalang

1
Araw ng bakanalan,
Kay Jehobang Lumalang;
Sa lahat nga ng araw,
S’yang pinakamainam.

Koro:
Tinatanggap, Tinatanggap;
Tinatanggap, Tinatanggap;
O palaging Tinatanggap;
Ang araw Mong dakila’y
Binabating may galak.

2
Sa anim na araw ay
Tinapos ang paglikha;
Ang ikapitong araw
Ay kanyang pinagpala.

3
Marami ang suminsay,
Pangili’y unang araw;
Sa Aklat inyong tingnan,
Di ganito ang saysay.

4
Hindi masusumpungan
Sa Aklat ang pagbago;
Sapagka’t ang sumira’t
Ang bumago’y ang tao.

5
Ako ay nagsaliksik,
At napatunayan ko,
Na ang talagang utos
Ay araw ng Sabado.

Exit mobile version