Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 273 Araw ng Kapahingahan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 273 Araw ng Kapahingahan

1
Araw ng kapahingahan, araw ng kagalakan,
Lunas sa kalungkutan, pinakamainam;
Mataas at mababa, ay nag-aawitan
Ng, Banal, banal, banal, sa Iyong harapan.

2
Ikaw’y isang daungang nasasang-galangan
Sa bagyong dumadalaw sa ‘ting mga buhay;
Ikaw’y sariwang bukal sa tuyong buhanginan;
Sa iyo’y natatanaw ang pangakong bayan.

3
Araw ng matamis na pagninilay-nilay,
Araw ka ng pag-ibig na nagpapabanal.
Mga bagong biyaya’y laging nakakamtan
Sa ‘ting araw na it ng kapahingahan.

Exit mobile version