Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 272 At sa Ibang Sanlinggo

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 272 At sa Ibang Sanlinggo

1
At sa ibang sanlinggo’y inihahatid tayo
Ng Diyos na masaklolo sa araw ng Sabado;
Masok tayo sa templo’t nang ang pala’y matamo.
Masok tayo sa templo’t nang ang pala’y matamo.

2
Hingin nating dagdagan biyaya Niyang bigay
Upang sa kasalanan ay mayrong ipamaram;
At upang masumpungan ganap na katuwaan.
At upang masumpungan ganap na katuwaan.

3
Sa banal Mong harapan kami’y nananambitan,
Nawa ay maranasan iyong kapayapaan;
Mukha Mo’y ipatanaw at lagi Mong samahan.
Mukha Mo’y ipatanaw at lagi Mong samahan.

4
Sa ebanghelyong tinig nawa ay manga-akit
Ang sa sala’y giyagis na sa Diyos ay magbalik;
At nawa’y ang may hapis sa tuwa ay mabihis.
At nawa’y ang may hapis sa tuwa ay mabihis.

Exit mobile version