Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 271 Sanlinggo na Nama’y Nanaw
1
Sanlinggo na nama’y nanaw,
Ang Sabado ay dumating;
Kaluluwa, sa lubungin
Itong pinagpalang araw.
2
Parito’t iyong purihin
Ang Panginoong nagbigay
Nitong binasbasang araw
Na tinanging ipangilin.
3
Ang pagpupuri’y awitin
Sa Panginoong maykapal,
Araw na kapahingahan
Sa kay Cristo ay tanggapin.
4
Ang Sabado’y siyang tunay,
Dapat nating ipangilin,
Talagang inihabilin
Sa iglesia na ingatan.