Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 270 Galak Akong Magsaysay

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 270 Galak Akong Magsaysay

1
Galak akong magsaysay ng lihim na bagay
Ni Jesus na nagbigay ng buhay sa tanan;
Ito’y kakamtang tunay ng sino’t alinman
Na manampalatayang Siya’y kaligtasan.

Koro:
Galak akong magsaysay ng pag-ibig at buhay
Ni Jesus na marangal, tumubos sa tanan.

2
Lihim ng kalangitan sa puso’y ilulan
At sampalayanang lilikha ng buhay;
At may kababalaghang sala’y huhugasan
Kahit gaanong sama’y lilinising tunay.

3
Ang sugong ito’y tanggap huwag nang magluwat;
Samantalang may oras agad kang umagap;
Ako nga’y nagagalak ihayag sa lahat
Na nangagsisihanap ng ikaliligtas.

4
Aking kinagigiliwang ihayag sa tanan
Ang magandang balitang kinauuhawan
Na marinig tuwina ng makasalanan
At nang ang kaluluwa’y magkamit ng buhay.

Exit mobile version