Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 267 Magmadali, O Siyon

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 267 Magmadali, O Siyon

1
Magmadali, O Siyon, na itanyag
Sa daigdig na Diyos ay liwanang;
S’ya na sa mga bansa’y naglatag
Di N’ya ibig isa’y mapahamak.

Koro:
Ang balita ay ipahayag,
Balita tungkol kay Jesus na liyag.

2
Ipahayag sa bayan, wika’t bansa
Na ang Diyos ay pag-ibig at tuwa;
Upang iligtas ang tao sa lupa,
S’ya’y namatay at nagpakababa.

3
Mga anak at salapi’y ihandog,
Nang madala sugong maalindog;
Sa dalangin kaluluwa’y ibuhos
Nang sila’y magtagumpay sa lubos.

4
Siyon, Siya ay muling paririto,
Kaya biyaya N’ya’y itanyag mo;
Huwag tulutang maligtaang totoo
Ang sinumang tinubos ni Kristo.

Exit mobile version