Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 264 Ang Iglesya’y May Isang Kinasasaligan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 264 Ang Iglesya’y May Isang Kinasasaligan

1
Ang iglesya’y may isang kinasasaligan,
Ito’y si Jesu-kristong sa kanya’y Lumalang;
Naparito’t ang dugo, buhay inialay,
Upang iglesya’y maging asawa N’yang banal.

2
Hirang sa bawa’t bansa, isa sa b’ong lupa,
Batas n’yang kaligtasan ay iisang pawa,
Isa ang Panginoon, bautismo’t tiwala,
Isa rin ang pagkain, pag-asa’t biyaya.

3
Mga kaaway niya kahit s’ya’y siilin,
Bato niyang himlayan kahit na durugin,
Pananampalataya’y iniingatan din,
Pagka’t gabing pagtangis pag-uumagahin.

4
Sa gitna ng hirap at mga kalinggalan,
Iglesya’y naghihintay ng kapayapaan;
Hanggang sa paningin n’ya ay mal’walhatian,
At iglesya’y magkamit ng kapahingahan.

Exit mobile version