Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 261 Sa Akin ay Mayro’ng Natitiwala
1
Sa akin ay mayro’ng nagtitiwala,
Kaya’t magtatapat akong kusa;
Marami ang pagtitiisang lubha
At maraming dapat isagawa,
Kaya’t magtitibay akong sadya.
2
Lahat aking magiging kaibigan
At ako’y magiging mapagbigay;
Yamang ako ay mayro’ng kahinaan,
Magpapakumbaba akong tunay;
At sa langit ako ay tatanaw.
3
Araw-araw, aking pag-aaralan
Mga liks’yong Ama ang nagbibigay;
Ang bulong N’ya’y agad kong pakikinggan,
At gagawin kong may kagalakan
Ang mga bagay na napakinggan.