Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 259 Ang Aking Tagapagligtas Maagang Hahanapin

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 259 Ang Aking Tagapagligtas Maagang Hahanapin

1
Ang aking Tagapagligtas
Maagang hahanapin;
Sa Kanya ay mag-aaral,
Hakbang N’ya’y babakasin.

Koro:
Pagka’t ako’y iniibig,
Iniibig ni Jesus.
Namatay S’ya nang maligtas,
Kaya’t mahal kong lubos.

2
Di ako napakabata
Saanman N’ya atasan,
At upang aking malaman
Ang Kanyang kalooban.

3
Siya ay nasa pintuan
Ng pagtakas sa sala,
Ako ay papasukin,
Ito ay pangako N’ya.

Exit mobile version