Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 258 Sakdal na Pag-ibig

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 258 Sakdal na Pag-ibig

1
Sakdal na Pag-ibig, na dimalirip,
Sa trono Mo kami’y humihibik,
Upang pag-ibig nila’y walang patid,
Na kailanman sa ‘Yo’y ilalakip.

2
Sakdal na Buhay, kapanatagan Ka,
Ng pananampalataya nila,
Ng mat’yagang pag-asa’t pagbabata,
Na may tiwalang di nangangamba.

3
Sila’y bigyan ng kagalakang tunay;
Sila’y bigyan ng kapayapaan,
Idagdag ang luwalhati sa buhay
Na sumisikat sa pagmamahal.

Exit mobile version