Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 254 Sa Dagat na Malawak

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 254 Sa Dagat na Malawak

1
Sa dagat na malawak
Na aking nilalayag
Along nangamamalas
Ako ay hinahamak;
Jesus na mapagliyag
Tulong Mo ay igawad.

2
Hangin ay patigilin,
Alon ay pahupain,
Dagat ay payapain,
Nang ako’y makarating,
At sa Iyo’y mapiling,
Jesus na maawain.

3
Kung sa along mabangis
Ako ay makatawid,
Sa pampang ay sumapit,
Kamay Mong matangkilik
Sa akin ay ilawit
At sa langit ipanhik.

Exit mobile version