Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 253 Hindi Nga Kita Iiwan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 253 Hindi Nga Kita Iiwan

1
Hindi nga kita iiwan
Hindi ka itatatwa
Aakayi’t iingatan
Sa malaki Kong awa;
H’wag matakot sa masama,
At Ako ang bahala.

2
Anumang lakas ng bagyo
Dumalangin sa Akin,
Dagli Akong sasaklolo’t
Aking pahihimpilin;
Sa pagsubok kukupkupin
Dilim ay papawiin.

3
Kung ang langit ay makinang
At lahat ay masaya,
Kagalaka’t kagandahan
Kasaliw ng ligaya;
Ikaw’y lagi Kong kaakbay
Inaakay sa daan.

4
Kung ang iyong kaluluwa’y
Tigib ng kahirapan,
Hapis, bagabag at bakla
Ay aking bibihisan;
Balabal ng kaligtasan
Pag-ibig Ko sa tanan.

Exit mobile version