Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 250 Humilig Ka sa Kamay ni Jesus

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 250 Humilig Ka sa Kamay ni Jesus

1
Humilig ka sa kamay ni Jesus
Na tumutulong at nagkukupkop,
Kung ikaw ay aasang mataos
Tutulungang lubos.

Koro:
Humilig ka sa Kanyang kamay
Humilig ka’t aalalayan,
Humilig ka na at h’wag lumiban
Di ka babayaan.

2
Humilig ka sa kamay ni Jesus
Liliwanagan ang iyong loob,
Sumunod ka na sa Mananakop
Saan man umabot.

3
Humilig ka sa kamay ni Jesus
Manatiling tapat sa pagsunod,
Upang tamuhin mo ang kaloob
Na pangako ng Diyos.

4
Humilig ka sa kamay ni Jesus
At paingatan ang lahat sa Diyos
Ang habag Niya ay walang pagod
Sa nagsisisunod.

Exit mobile version