Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 241 Isa Ngang Pusong Malinis

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 241 Isa Ngang Pusong Malinis

1
Isa ngang pusong malinis,
Ang sa Panginoo’y nais
Napakamtan, nang mabihis
Sa salang kahapishapis.

Koro:
Hugasan Mo ako, Jesus,
Ng dugo Mo nanabuhos
Dalisayin akong lubos
Sa apoy nang di masupok!

2
Kung hinagap ay makita,
Kaluluwa’y liligaya;
Mapagalak ako t’wina,
Pusong dalisay angkin pa.

3
Pusong ito’y kung matanggap
Mag-uulol ang hinagap,
Sa buhay laging pangarap
Ang biyayang malalasap.

4
Umilag, saka magpigil,
Mag-ingat, tuloy bakahin
Daloy ng masamang hiling
Ng mahinang puso natin.

Exit mobile version