Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 239 Ilapit Mo Ako

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 239 Ilapit Mo Ako

1
Ilapit Mo ako sa Iyo,
Oh! mahabaging Mananakop ko;
Itagong lagi sa puso Mo
At sa payapang langit itungo,
At sa payapang langit itungo.

2
Wala akong tunay na taglay
Sa Iyo Jesus, anumang alay,
Liban sa puso kong dungisang
Sa dugo Mo’y nais pahugasan,
Sa dugo Mo’y nais pahugasan.

3
Sa Iyo, Jesus, lumalapit,
Sa pagkakasala’y umaalis,
Masasama’t maruming isip
Pawang lalayuan ko nang tikis,
Pawang lalayuan ko nang tikis.

4
Samantala ngang nabubuhay
Nais magkalapit ako’t Ikaw,
Nang magkasamang walang hanggan
At kaluwalhatia’y makamtan,
At kaluwalhatia’y makamtan.

Exit mobile version