Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 237 Oh! Krist’yanong Kawal Hayo sa Laban

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 237 Oh! Krist’yanong Kawal Hayo sa Laban

1
Oh! Krist’yanong kawal hayo sa laban,
Si Jesus ang nangunguna sa daan
At umaalalay sa kahirapan,
Nang tayo’y magdiwang sa sanlibutan!

Koro:
O! Krist’yanong kawal hayo sa laban,
Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

2
Siya ay ihayag at nang tumakas
Ang bumabagabag na si Satanas;
Tulinan ang lakad, dalhin ang hirap
Nang ating malasap, bihis na galak!

3
Ang kay Kristong kawal hukbong kalakhan
Ay nangapipisang lakip ang tibay;
Sa pakikilaban at nang magdiwang,
Nang pagtagumpayan madlang kaaway!

4
Piliting lansagin ang bawa’t datning
Mga sinungaling; h’wag pagitawing
Maghari sa ati’t tayo’y supiling
Papaniwalain sa dayang lihim!

5
Sulong Kanyang bayan at makipisan
Sa pag-aawitan ng pagdiriwang;
Kay Jesus ibigay ang kapurihan,
Atin S’yang awitan magpa-kaylanman!

Exit mobile version