Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 235 Tayo Ngayo’y Nabubuhay

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 235 Tayo Ngayo’y Nabubuhay

1
Tayo ngayo’y nabubuhay
Sa panahong maselang
Kaya nga ang kailangan
Mag-ingat araw-araw,
Masda’t palagi na lamang
Ang mga kaguluhan
At itong buong nilalang
Lagi sa panambitan.

2
Upang kayo’y makatagal
Sa masamang araw
Ang baluti ng katwiran
Isakbat nang b’ong tibay,
Ibigkis sa inyong baywang
Mga katotohanan
Sa paa’y kapayapaan
At ang tabak sa kamay.

3
Ang hukbo ng kasamaan,
Mahigpit na kaaway,
Ay nangagpipisan-pisan
Sa malaking digmaan,
Ang kanilang kalakasan
Tinitipong mainam;
Kaya nga’t sa tunggalian
Ikaw nama’y lumaan.

Exit mobile version