Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 232 Gising Ngayon at Gamitin
1
Gising ngayon at gamitin
Ang buhay mong angkin
Sa matapat na takbuhin
Nang putong ay kamtin!
2
Diyos ang Siyang tumatawag
Mula sa itaas,
Sa Kanya mo matatanggap
Ang mithi mo’t hangad!
3
Mga saksing di mabilang,
Ikaw’y minamasdan,
Limutin ang nadaana’t
Ituloy ang hakbang.
4
Ang takbuhing Kanyang bigay
Ay napasimulan,
Wagi’t putong na kakamtan
Kanyang iaalay.