Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 223 Ngayo’y Iniisip ang Magandang Lugar

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 223 Ngayo’y Iniisip ang Magandang Lugar

1
Ngayo’y iniisip ang magandang lugar
Na sasapitin ko ngang tunay;
Ang putong ko kaya’y may bituing taglay
Kung ako roon ay dumatal?

Koro:
Magkabituin kaya sa aking putong
Paglubog ng araw sa hapon?
Sa lugar ng pahingahan kung bumangon
Magkabituin kaya roon?

2
Sa lakas N’ya ako’y bayaang gumawa
Tumawag, magpuyat, humanda,
Nang magkabituin ako nang sagana
Sa araw na yaong dakila.

3
Kung ipanagumpay ko ang kaluluwa
Tuwa ko’y walang makapara,
Ang putong na tala sa araw ng saya
Ay igagawad ng Diyos Ama.

Exit mobile version