Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 221 Timbulan Ay Ihagis

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 221 Timbulan Ay Ihagis

1
Timbulan ay ihagis sa tubig
May dapat iligtas na kapatid;
Oh, sinong sa kanya’y maghahagis
Ng timbulang sa kanya ay sasagip?

Koro:
Inyong ihagis! Inyong ihagis!
Ang timbulang pansagip!
May naaanod na isang waglit!
Timbulan ay ihagis!

2
Palakasi’t bilisan ang kamay;
Bakit mabagal, pahintay-hintay?
Masda’t lumulubog na S’yang tunay;
Lantsa’y ipalaot! siya’y isakay!

3
Ang nasa panganib ay sagipin,
Lumulubog sa mga tiisin;
Sila’y malapit na ngang salpukin
Ng tukso’t pighating alon at hangin.

4
Ang pagsagip malapit magwakas,
Sa walang hanggang pampang sasadsad;
Kaya’t h’wag nang magpaumat-umat,
Timbula’y ihagis, sila’y iligtas.

Exit mobile version