Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 220 Ibigin ang Kapwa

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 220 Ibigin ang Kapwa

1
Ibigin ang kapwa ay kawang-gawa
Buhay ni Jesus ay ibalita;
Igawad ang awa’t pananalita
Na Siya lamang ang magpapala.

Koro:
Akayin sa lingap ang nalilinsad
Sa Diyos na may habag nang maligtas!

2
Sakaling aayaw ay pagtamang
Pilitin sa mga kagalingan,
Hanggang sa maparam ang kadiliman
Siya’y kusaing pagtiyagaan.

3
Sa dibidib ng tigib ng salang dungis
Ang kaligtasa’y siyang ipilit
Na roo’y masilid at nang sumapit
Sa paani ni Jesus ay ihatid.

4
Ituro ang bagay sa kaligtasan,
Tulong ni Jesus, iyong asahan;
Siya’y kaagapay na kalakasang
Tatamuhin na walang hanggan.

Exit mobile version