Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 22 Lumulubog ang Araw

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 22 Lumulubog ang Araw

1
Lumulubog ang araw;
Katahimika’y taglay;
Sumamba at magnilay
Sa gabing dumarantay sa b’ong langit.

Koro:
Banal, banal, banal, Diyos ng hukbo!
Lupa’t langit saklaw Mo;
At nagpupuri sa’yo,
Diyos na banal!

2
Panginoon ng buhay,
Nitong sandaigdigan,
Tipunin kaming tanan
At ibilang sa kawan; Ikaw’y mahal.

3
Samantalang ang dilim
Ay lubhang sumisinsin,
Ang pusong masintahin,
Sa lahat gumugiliw; Oh lingapin!

4
Pag bituin at araw
Pati gabi ay nanaw,
Umagang walang hanggan,
Pangino’n, ipatanaw sa ‘ming tanan.

Exit mobile version