Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 210 May Tahanang Walang Maliw
1
May tahanang walang maliw,
Walang lungkot o panimdim;
Sino nga kaya sa atin
Ang di ibig makarating?
Koro:
Hintay, maghintay mang mataman,
Hintay, h’wag kang mag-alinlangan,
Huwag, huwag kainipan!
2
Kung dika na makatiis
Hirap na susunsuson,
Mata’y ititig sa langit,
Ang mithing ligaya’y naro’n.
3
Kung ikaw ay makatagpo
Ng tinikman o ligamgam,
Tibayan ang iyong puso
Si Cristo’y siyang tularan.
4
Lakad at h’wag kaligtaan
Ang umasa’t manalangin;
Oo, sisikat ang araw
Magtatamo ka ring aliw.