Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 21 Poong Jesus, Lubog na ang Araw

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 21 Poong Jesus, Lubog na ang Araw

1
Poong Jesus, lubog na ang araw
At ang dilim nama’y kumakapal;
Liwanag mo sa aki’y itanglaw
At ako, Panginoo’y samahan.

2
Nagdaan na naman ang maghapon,
Lahat sa paglipas tuluy-tuloy,
Ang lahat ng bagay naluluoy—
Samahan Mo ako, Panginoon.

3
Huwag Mo akong dagling iiwanan
Ang kandili Mo ay kailangan,
Akong aba’y Iyong pagti’san
At ako, Panginoo’y samahan.

4
Mayroon pa bagang ibang bagay
Na makakasupil sa kaaway?
Wala na nga, kundi Ikaw lamang
Kaya nga po, ako ay samahan.

Exit mobile version