Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 205 Ang Iyong Pangako

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 205 Ang Iyong Pangako

1
Ang Iyong pangako’y kung mangagpisan
Dalawa o tatlo sa ‘Yong pangalan
Sa kanilang gitna’y naro’n Ka naman,
Ito Panginoo’y inaasahan!

Koro:
Kami’y pagpalaing nangagtitipon
Lagi Mong samahan habang panahaon.

2
Kami’y nakapulong Mo nang madalas,
Ngunit kailangan Ka hanggang wakas,
Mga biyaya Mo ay ipamalas
Pagpalai’t tanggap kaming nanawag.

3
Sumaaming awit at pagpupuri,
Aming hinihingi’y Iyong kandili,
Kami’y umaasa sa ‘Yong pagkasi
Bigyang kasiglaha’t dingging parati.

Exit mobile version