Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 203 Ang Oras ng Panalangin

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 203 Ang Oras ng Panalangin

1
Ang oras ng panalangin
Ay matamis nga sa akin;
Tinatawag akong tambing
Sa Ama kong maawain!
Sa panahong natutukso
Sa mga daya ng lilo,
Tumawag at pasaklolo
Sa kamay ni Jesu-Kristo!

2
Sa oras ng panalangin,
Ako ay Kanyang diringgin;
At kung Siya’y hihintayin,
Ako ay pagpapalain.
Katiwasayang tahimik
Kay Jesus na ipapalit
Salinggatong at hinagpis
Sa aki’y gumigiyagis.

3
Oh! oras ng panalangin,
Ako ay iyong aliwin
Hanggang sa Pisga’y mamasdan
Ang inihandang tahanan.
Sa pagtawag N’ya sa akin
Upang Siya’y salubungin,
Akin namang aawitin
Ngalan Niyang masintahin.

4
Oh! oras ng panalangin,
Ako ay iyong aliwin
Hanggang sa Pisga’y mamasdan
Ang inihandang tahanan.
Sa pagtawag N’ya sa akin
Upang Siya’y salubungin,
Akin namang aawitin
Ngalan Niyang masintahin.

Exit mobile version