Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 202 O Jesus Kong Minamahal

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 202 O Jesus Kong Minamahal

1
O, Jesus kong minamahal
Sa kaluluwa ko’y tanglaw,
Walang dilim na hahadlang
Kung palagi Kang kaakbay!

2
Bago ako makalimot
Sa mahimbing na pagtulog
Iparanas munang lubos
Mayaman Mong pagkukupkop!

3
Ako’y Iyong patnubayan
Sa buhay ko araw-araw!
Sa gabi ay h’wag bayaan
Sa masamang panagimpan!

4
Ako’y Iyong pagpalain
Ng biyaya pagkagising
Nang ang sama ay masupil
Sa maghapong sasapitin.

Exit mobile version