Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 201 Sa Mapalad na Oras ng Panalangin

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 201 Sa Mapalad na Oras ng Panalangin

1
Sa mapalad na oras ng panalangin,
Tayo ay magtitipon sa Kanyang piling;
Tayo ay magsilapit kay Jesus na giliw,
Biyaya N’ya’y panlunas!
Kay tamis lasapin!

Koro:
Oh, pinagpalang oras ng dalangin,
Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.

2
Sa mapalad na oras ng panalangin,
Pakikinggan Niya ang ating pagdaing;
At sa lahat ng ating dusa ng damadamin.
Biyaya N’ya’y panlunas!
Kay tamis lasapin!

3
Sa mapalad na oras ng panalangin,
Sa Kanyang harapan, lingap ay hingin;
Sa Kanya ay ilapit ang ating panimdim,
Biyaya N’ya’y panlunas!
Kay tamis lasapin!

4
Sa mapalad na oras ng panalangin
Ay sumampalatayang Kanyang diringgin,
At ipagkaloob ang anumang hingin;
Biyaya N’ya’y panlunas!
Kay tamis lasapin!

Exit mobile version