Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 200 Oh! Kristong Kaibig-ibig

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 200 Oh! Kristong Kaibig-ibig

1
Oh! Kristong kaibig-ibig
Na nagpasan ng sakit,
Ang habag Mo ay ilalawit
Sa aming nangagwaglit!
Ang tao ay natiwalag
Sa biyaya’t pag-liyag,
Dahil sa gawang paglabag
Sa Diyos ng awa’t habag!

2
Mahina ka’t tigib man din
Ng salang sapin-sapin,
At kung ngayo’y di idaing
Parusa’y sasapitin;
Kaya ngayo’y maniwala
Kay Jesus na dakila,
Upang kamtan mong sagana
Ang kay Jehobang awa!

3
Si Kristo’y siyang tinapay,
Ito ay siyang tunay;
Siya ang daan at buhay
Ng kaluluwang banday;
Ang ating kaparusahan
Ay inakong paminsan;
Kaya Siya na nga lamang
Dapat na panaligan.

Exit mobile version