Filipino / Tagalog SDA Hymns
Hymn 20 Panginoon Iyong Dinggin
1
Panginoon, Iyong dinggin
Ang aking dalangin,
Sa umagang ito’y hain
Ang puso kong angkin.
2
Mangyaring ako’y samahan,
Espiritung banal,
Nang upang sa kabanalan
Lumaging mabuhay.
3
Ang magpuri sa ‘Yong ngalan
Ay ang makakamtan
Lubos na pagsasanggalang
Sa kapahamakan.