Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 198 Si Jesus ang Aking Bantay

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 198 Si Jesus ang Aking Bantay

1
Si Jesus ang aking bantay Na di napapagal,
Ako’y Kanyang minamahal, Itinatangkal;
Sa laot ng dusa’t lumbay Matiyagang inaakay,
Daramayan, hindi ako iiwan.

2
Si Jesus ang aking buhay, Aking kalakasan,
Binibigyang kasiglahan Ang lupang katawan;
Kung ako’y nanlulupaypay;
Nanghihina, nangangalay.

3
Si Jesus ang kaibigan, Pastor, aliw, ilaw,
Kung S’ya’y wala, kasawian Ang kasasapitan;
Kung ako ay namamanglaw, Nahahapis at luhaan,
Aaliwin, hindi ako iiwan.

4
Si Jesus ang aking tanglaw Sa lahat kong araw,
Ang daan kong nilalakbay Nililiwanagan;
Ang dilim ng kamatayan Hinahawi, pinaparam,
Iilawan, hindi ako iiwan.

Exit mobile version