Site icon Treasure Hymns -Filipino

Hymn 197 Pangalang Jesus Ingatan

Filipino / Tagalog SDA Hymns

Hymn 197 Pangalang Jesus Ingatan

1
Pangalang Jesus ingatan
Anak ng kalumbayan,
Upang ang tuwa ay kamtan,
Taglayin mo saanman.

Koro:
Pangalang marangal Pangalang marangal
Matamis at dalisay! Pag-asa ng tanan
Pag-asa ng tanan, ng tanan
T’wa ng sangkalangitan!

2
Pangalang Jesus ibigin,
Kalasag na patalim;
Pag ang tukso’y tumitiim,
Bigkasin sa dalangin!

3
Pangalang Jesus mahalin,
Galak nating purihin;
Sa pagtanggap N’ya sa atin
Pagpupuri’y awitin!

4
Sa ngalang Jesus lumuhod
At sa Kanya’y pakupkop
Puputungang Haring lubos
Sa langit ng tinubos!

Exit mobile version